By Carmela Reyes-Estrope
PAOMBONG, Bulacan – Umupo na sa bago niyang puwesto nitong Miyerkules si Department of Energy Undersecretary Donato “Doneng” Marcos bilang bagong presidente ng National Power Corporation (NPC).
Nagsilbing Energy undersecretary si Marcos mula 2014.
Bago iyon ay halal siyang alkalde ng Bayan ng Paombong at naging pangulo rin ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Bulacan Chapter. Nahalal din siyang vice mayor ng Paombong noong bago siya mag-mayor.
Si Marcos din ang kasalukuyang chairman ng PDP-Laban sa Bulacan at kinikilalang isang mataas na lider pulitika sa lalawigan. Siya ay isang mining engineering graduate at isang contractor bago nasabak sa pulitika sa Paombong. Isa rin siyang farmer sa kanyang bayan.
Siya ang kabiyak ni current Paombong Mayor Mary Anne Marcos.
Sa panahon ni Usec Marcos bilang mayor ng Paombong, unti-unti muling sumigla ang nasabing bayan. Isa rito ang pagpapagawa at pagsasaayos ng munisipyo, palengke at iba pang mga pampublikong imprastraktura.
Source: Newscore Bulacan